Mukhang abot langit talaga ang galit ni Willie Revillame sa Dos! Sa napipintong pagsisimula kasi ng bagong noontime program ng ABS-CBN ay ipinahayag ni Willie ang pagnanais niyang mag guest sa Eat Bulaga ng GMA upang tapatan ang higanteng premiere ng It’s Showtime! Lumalabas tuloy na “bitter” pa ang dating hari ng Kapamilya Network sa ginawang pagtanggal ng pamunuan ng ABS-CBN sa kanayang naghaharing programa.
Ngunit malabong patulan ito ng mga taga Eat Bulaga dahil tiwala naman ito na mapapanatili nila ang kanilang napatunayang tibay pagdating sa labanan ng ratings. Kung sakaling patulan ito ng Eat Bulaga ay para narin nilang pinatulan ang kababawan Mr. R na ang tanging nais ay patunayan sa DOS na isang malaking pagkakamali ang ginawa nilang pag tanggal sa Wowowee!
Source: TV NETWORK WAR



















